2 tulak, huli sa compshop, P1M drugs nasabat
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | August 15, 2026

Photo: File
Sa kulungan bumagsak ang sinasabing dalawang drug pusher nang arestuhin ng mga otoridad sa loob ng isang computer shop matapos pagbentahan ng droga ang pulis na nagpanggap na buyer, Huwebes ng gabi sa Pasay City.
Nasa 150 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000 ang nasamsam ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco kina alyas Timor, 30, ng Brgy. Baclaran, Parañaque City at Joh Ashley, 25, ng Brgy.145.
Batay kay SPD District Drug Enforcement Unit chief P/Maj. Cecilio Tomas, Jr. ang dalawa ay pawang nasa kategorya na mga bagong tukoy na High Value-Individuals (HVIs).





Comments