top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2 tinapay, hinugot sa boobs saka kinain…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2021
  • 1 min read

TIKTOK VIDEO NI ALEX, MALASWA RAW, NAKATIKIM SA MISTER-TO-BE

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 9, 2021




Hindi nagustuhan ng fiancé ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada ang ginawa niyang video sa TikTok kaya naman nakatikim siya ng talak mula sa boyfriend.


Sa ipinost na video ni Alex sa kanyang Instagram account ay makikita siyang nagsasayaw but at the end of the clip ay may kinuha siyang dalawang tinapay mula sa kanyang boobs at kinain ito.


Nag-react si Mikee kay Alex at sinabihan ang aktres/vlogger na ang pangit ng ginawa nito.


“Ano naman 'yan bi. Pangit nu'ng ginawa mo,” ang mensahe ni Mikee kay Alex base sa screenshot na ipinost ni Alex sa kanyang IG Story.


Caption ni Alex, “Patay. Nag-react na si Mister Morada.”


May mga netizens namang umayon kay Mikee sa isang thread na nakita namin. Sey nga ng isa, tama lang daw na sabihan ni Mikee ang GF dahil ang laswa naman daw talaga ng ginawa ng dalaga.


May nagkomento pa ngang sana raw ay mahiya naman si Alex sa mga future in-laws niya.


Pero marami rin namang netizens na naaliw sa video at sey nila, tawang-tawa sila kay Alex.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page