2 reyna ng GMA-7, idol sa pag-arte at pananamit… MARIAN AT HEART, GUSTONG GAYAHIN NI CAPRICE
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 24, 2026

Photo: Caprice Cayetano, Marian Rivera at Heart Evangelista - Instagram
Excited at sobrang saya ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE) Kapuso Grand Winner na si Caprice Cayetano nang ma-meet niya nang personal ang dalawang reyna ng GMA-7 na iniidolo niya na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.
Si Marian ang gusto niyang tularan sa galing umarte at pagiging professional sa trabaho, habang si Heart naman ay hinangaan niya sa pagiging fashion icon at kakaibang istilo sa pananamit.
Kaya sa kanyang pagpasok sa showbiz ay sisikapin niyang pantayan ang mga nakamit at narating ng dalawa sa kanilang career.
Willing si Caprice na mag-undergo ng acting workshops upang mahasa nang husto. Gusto rin niyang maranasang makatrabaho ang magagaling na direktor at veteran stars upang madagdagan ang kanyang kaalaman sa pag-arte.
Well, thankful si Caprice sa pag-aalaga sa kanya ngayon ng GMA Sparkle Artist. Sinasanay na rin siya sa pagpe-perform sa All-Out Sundays (AOS). Nag-a-adjust na siya sa kanyang buhay-artista.
Ngayong darating na Holy Week ay may break sa kanyang mga commitments si Caprice Cayetano. Sama-sama silang pamilya na magbabakasyon sa Bangkok, Thailand.
BLOOMING si Cristine Reyes nang makita namin sa birthday party ni Ricky Lee. Happy daw ang kanyang love life ngayon, ayon sa aktres.
Marami ang nakakapansin na nag-iba ang kanyang aura sa piling ng karelasyong si Atty. Gio Tiongson, hindi tulad noong sila pa ni Marco Gumabao.
Sey pa ng mga friends ni Cristine, iba talaga ang aura ng isang babae kapag napunta sa tamang lalaki — panatag at laging may spark ang mga mata.
Dati nang nagkaroon ng ugnayan sina Cristine at Gio at hindi niya inaasahan na muling magkukrus ang kanilang landas at magre-reconnect. Muling nagbalik ang mga dating memories ng kanilang nakaraan.
Wish ng mga fans at friends ng aktres ay si Gio Tiongson na ang maging forever ni Cristine.
Sa dami ng pinagdaanang kabiguan sa pag-ibig, deserve naman ni Cristine Reyes ang lumigaya sa piling ng kanyang ‘the one’.
SUPER proud dad si Jake Ejercito sa kanyang anak na si Ellie Ejercito. Napili si Ellie na maging kinatawan ng kanyang school sa gaganaping conference sa Yale Model United Nations Singapore.
Kinakitaan ito ng kakaibang sigasig at talento sa mga kaganapan sa ating bansa. Aktibo rin siya sa debate at iba pang activities sa kanyang school.
Maging ang kanyang mom na si Andi Eigenmann ay super proud din sa achievement ni Ellie.
Lumaki ito na malapit sa kanyang amang si Jake Ejercito at maganda ang relasyon nila. Cool dad ang aktor at palagi silang magkasama ni Ellie na nagbabakasyon abroad.
Girl dad si Jake at naging malapit din si Ellie sa kanyang grandma na si Laarni Enriquez. Kapag walang pasok ay nagbabakasyon siya sa Siargao upang makapiling ang kanyang mom na si Andi at mga kapatid.
Lumaking mabait at magalang si Ellie Ejercito. Hindi siya bratty tulad ng ibang teenagers kaya ipinagmamalaki siya ng kanyang mga parents.




Comments