top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

2 Pinoy seafarers, dedo sa drone attack sa Black Sea

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 21
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | July 21, 2026



Black Sea seafarers - The National Defense

Photo: Circulated / The National Defense



Malungkot na iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkasawi ng dalawang Filipino seafarers at pagkasugat ng 12 iba pa sa drone attacks sa Black Sea bahagi ng Southern Ukraine.


Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, isa ang patuloy na pinaghahanap sa tumataas na tensiyon sa Black Sea.


Sinabi ng opisyal na unang nasawi ang isang Pinoy seaman noong July 6 habang ang ikalawa ay nitong Linggo, July 19.


Tinarget umano ng Russia ang isang international cargo vessel sa Black Sea na ikinasawi ng limang crew.


Inaasinta umano ng pag-atake ang mga bulk carrier at oil tankers at karamihan sa mga barko ay napinsala mula sa drone attacks.


Kabuuang 139 Pinoy seamen na sakay ng siyam na barko ang naapektuhan dahil sa drone attacks, at 124 sa mga ito ay ligtas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page