2 Pinoy, patay sa giyera sa Israel
- BULGAR
- Oct 11, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @News | October 11, 2023

Dalawang Pilipino ang nasawi matapos ang pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas sa Israel, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Miyerkules, 0ktubre 11.
Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na kinondena ng Pilipinas ang pagpatay sa dalawang Filipino national at lahat ng iba pang gawain ng terorismo at karahasan bilang resulta ng mga aksyon ng Hamas laban sa Israel.
"The Philippines is ready to work with other countries towards a long-lasting resolution to the conflict, in accordance with pertinent UN Security Council Resolutions and the general principles of international law," ani Manalo.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Manalo hinggil sa dalawang Pilipinong nasawi.
Nauna nang iniulat ng DFA na anim na Pilipino ang nananatiling pa ring nawawala.





Comments