top of page

2 patay sa sunog sa Cebu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 5, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | October 5, 2020




Dalawa ang patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa J. Alcantara Street, Bgy. Sambag 1, Cebu City nitong Linggo nang gabi.


Kinilala ang biktima na sina Dr. Glenda Mayol-Neri, 80-anyos at ang kasambahay nitong si Francisca Epel Fomentera, 71-anyos.


Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro, natagpuan nila ang dalawa na may takip na unan sa mukha upang hindi malanghap ang usok sa isang kuwarto nito sa ikalawang palapag.


Sinubukan pang dalhin sa ospital ang dalawa, ngunit sa ambulansiya pa lamang ay binawian na sila ng buhay.


Kuwento ng kapitbahay na si Norman Castañeda, narinig pa umano ng mga ito na humihingi ng tulong ang dalawa. Sinubukan umano nila itong tulungan ngunit malaki na ang apoy at hindi mabuksan ang gate dahil nakakandado.


Madaling-araw na ng Lunes nang maging under control ng Cebu City Fire Office ang sunog.


Tinatayang aabot sa P4.8 milyon ang naging danyos ng sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page