2 patay sa stampede sa Myanmar
- BULGAR

- Feb 19, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 19, 2024

YANGON — Namatay ang dalawang katao sa isang stampede sa labas ng tanggapan ng pasaporte sa Myanmar nitong Lunes, habang libu-libong tao ang nagmamadali na lumisan sa bansa upang maiwasan ang isang junta military service law.
Dalawang babae na may edad na 52 at 39 ang namatay na dumagsa ang daan-daang tao upang pumila sa tanggapan ng pasaporte sa pangalawang pinakamalaking lungsod na Mandalay.
“There was a ditch near the crowd. They fell into the ditch and died from a lack of oxygen,” sinabi ng isang rescue officer, na humiling na huwag ilabas ang pagkakakilanlan para sa seguridad.
Tatlong taon matapos ang pagkuha ng kontrol sa pamamagitan ng isang 'coup,' nahaharap ang militar sa mga hamon ng pagsugpo sa malawakang armadong pagtutol sa kanilang otoridad.
Kamakailan lamang, nawalan ito ng teritoryo at kontrol sa mga mapagkakakitaang ruta ng kalakal patungo sa China sa ilalim ng isang koalisyon ng mga armadong grupong etniko.
Kalaunan sa buwan, nag-anunsyo ito ng plano na ipatupad ang isang batas na nag-uutos ng serbisyo militar para sa lahat ng kalalakihan na may edad na 18-35 at kababaihan na may edad na 18-27, sa loob ng hindi kukulangin sa dalawang taon.





Comments