top of page
Search
  • BULGAR

2 jurors sa kaso ni Trump, sinibak ng hukom

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 19, 20244




Pinaalis ng hukom na nangangasiwa sa kaso ng dating Pangulo ng United States (US) na si Donald Trump ang dalawang mga jurors nu'ng Huwebes.


Ito ay matapos matukoy na itinatago ng isa sa dalawang naalis na mga jurors ang kanilang naunang pagkakasangkot sa batas na hindi binigyang-linaw ng hukom na si Juan Merchan kung ano ang naging tunay na dahilan sa pagkakaalis nito sa nasabing puwesto.


Inalis din ni Merchan ang isa pa matapos nitong matakot nang maisapubliko ang ilang personal na impormasyon patungkol sa kanyang pagiging parte ng mga jurors.


Matapos maalis ang dalawang mga jurors, kasalukuyang may limang tao na ang napili bilang parte ng jury na binubuo ng 12 miyembro at anim na posibleng pumalit.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page