Search
  • BULGAR

2 kandidata ng Miss Universe Phils., nag-positive sa COVID-19, atras na!

ni Lolet Abania | October 17, 2020




Tinitiyak ng pamunuan ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) sa publiko na prayoridad nila ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga kandidata matapos na dalawa sa mga ito ang umatras sa kompetisyon dahil sa kaso ng COVID-19.


"The Miss Universe Philippines Organization’s top priority continues to be the health and safety of all our candidates," ayon sa inilabas na statement ng MUPO ngayong Sabado.


"While it is unfortunate and heartbreaking to see some of our candidates leave the competition, we thank them for being a part of the Miss Universe Philippines family."


"We salute their bravery and courage as they go through this difficult time and rest assured, we will continue to provide all of the help and support they need," dagdag na pahayag ng MUPO.


Upang siguruhin sa publiko na makakasunod sa guidelines na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sasailalim sa swab testing na isasagawa ng St. Luke's Medical Center ang lahat ng kasali sa pageant.


Nakikipagtulungan na rin ang MUPO sa mga opisyal ng Baguio City, kung saan gagawin ang coronation night.


"We have consistently coordinated with Baguio City officials to ensure that we follow their rigorous protocols in order to preserve its status as a COVID-free city," sabi ng MUPO.


Ayon pa sa organisasyon patungkol sa dalawang kandidatang umatras sa kompetisyon, "We strongly believe that this is not the end of their journey as they will soon emerge victorious to be able to pursue their dreams of becoming beauty queens."


Samantala, kahapon ay inanunsiyo ng pambato ng Cagayan de Oro na si Vincy Vacalares na nagpositibo siya sa test sa COVID-19 at hindi na magpapatuloy pa sa pageant.


Bukod kay Vincy, unang tinamaan ng Coronavirus ang kandidatang taga-Sorsogon na si Maria Isabela Galeria subali’t nag-abiso ito noong Huwebes na aatras na sa kompetisyon kahit pa naka-survive sa COVID-19.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.