Marcoleta, may degenerative disc disease, mild pneumonia
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Marvin Reyes @News | July 9, 2026

Photo: Rodante Marcoleta - Circulated
Kinumpirma ng PNP General Hospital na si Senador Rodante Marcoleta ay may degenerative disc disease na nangangailangan ng rehabilitation therapy at mayroon ding mild pneumonia.
Nananatiling naka-confine ang senador mula noong Hulyo 6 matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at mataas na presyon ng dugo kasunod ng kanyang pagkakaaresto kaugnay ng kasong plunder.
Patuloy na mino-monitor ng mga doktor ang kondisyon ni Marcoleta habang sumasailalim siya sa kinakailangang gamutan at mga karagdagang pagsusuri.





Comments