Tambay, dumami — PSA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 9, 2026

Photo: File / Manila PIO
Umakyat sa 2.5 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Mayo, mula sa 2.41 milyon noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng 4.8 porsyentong unemployment rate, na bahagyang mas mataas kaysa sa 4.7 porsyento noong nakaraang buwan.
Sa kabila nito, tumaas naman ang bilang ng mga may trabaho sa 49.63 milyon at umabot sa 52.13 milyon ang kabuuang labor force o mga Pilipinong may trabaho at aktibong naghahanap ng trabaho.
Samantala, bumaba ang bilang ng mga underemployed o mga manggagawang naghahanap pa ng dagdag na oras ng trabaho o karagdagang pagkakakitaan sa 6.04 milyon o 12.2 porsyento mula sa 7.41 milyon o 15.2 porsyento noong Abril.





Comments