2 jeep nagkarerahan habang may mga estudyante sa bubong, huli
- BULGAR

- 21 hours ago
- 1 min read
ni BRT @News | July 20, 2026

Photo: LTO / Viral
Pinagpaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang dalawang jeepney driver na tila nag-drag racing sa kalsada habang may mga estudyante pa sa bubong sa Naguilian, Isabela.
Naglabas na ang LTO Region 2 ng show-cause order laban sa may-ari at driver ng dalawang jeep.
Suspendido rin pansamantala ang rehistro ng mga jeepney at ang lisensiya ng mga tsuper sa loob ng tatlong buwan.





Comments