2 iPhone 11 at 1 iPhone 13, nakuha rin… LOISA AT RONNIE, BIKTIMA NG BASAG-KOTSE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 3, 2022

Nabiktima ang mag-sweetheart na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ng Basag-Kotse Gang sa may Molino, Cavite.
Binasag ang salamin ng kanilang Jeep Wrangler Wagon. Dalawang iPhone 11 at isang iPhone 13 ang nakuha sa loob ng sasakyan ng celebrity couple.

Payo ng mga netizens, "Huwag kasing nag-iiwan ng mga valuables inside the car."
"Lesson na 'yan sa mga celebs na 'wag pong ibandera ang mga luxury cars even 'yung house and address sa socmed. Ingat!"
"'Yung isa, nawala ang passport overseas, ito naman, nag-iwan ng 3 phones sa car. No comment na lang sa mga artista na 'to."





Comments