top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 Foreign teams, posible nang sumagupa sa PBA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2023
2 min read

ni Gerard Arce @Sports | January 21, 2023




Bukas sa posibilidad ang Philippine Basketball Association (PBA) na palahukin ang isa o dalawang foreign teams sa kada isang komperensiya sa mga next season ng liga makaraan ang matagumpay na laro ng Bay Area Dragons sa Commissioner’s Cup.


Inihayag ni PBA Commissioner Willie Marcial na pagpupulungan ng Governors ng bawat koponan ang mga hakbang, gayundin ang pagpapabalik ng Asian imports at kabi-kabilang exhibition matches, kasama na umano ang pakikipag-usap sa ibang liga tulad ng Korean Basketball League, Japan B.League at Taiwan P.League.


Baka sa mga darating na season, magkaroon tayo once-a-year ng guesting, pero gusto ulit ng Dragons na sumali ulit sa atin for the next season, habang kausap ko rin ang Australian Basketball League na NBL na gusto ring maglaro rito as exhibition, hindi pa napag-uusapan kung sasali sa ating conference, pero gusto rin nila. Maganda 'yun sa basketball sa Pilipinas,” pahayag ni Marcial kasunod ng matagumpay na Game 7 sa pagitan ng kampeon na Brgy. Ginebra Kings at Bay Area Dragons sa record-breaking attendance na 54,589 sa Philippine Arena.


Ongoing yung usapan ng KBL at Japan. Yung Korea nga nagpadala ng email, siguro sa March magkakasama-sama kami dun, dun kami mag-uusap-usap at baka yung Taiwan league, ongoing lahat ng usapan. Kaya ang laking tulong ng EASL (East Asia Super League) para ma-unite yung ating mga kapitbahay sa iba’t ibang countries na malapit sa atin.”


Minsang ibinalik ang Asian imports sa PBA noong 2015 Governors Cup, kung saan naglaro sina Sam Daghles mula Jordan para sa TNT, habang kinuha ng Ginebra sina Kim Jiwan ng South Korea, Omar Krayem ng Palestine (GlobalPort), Taiwanese Chang Tsung-Hsien (Kia), Japanese Seiya Ando (Meralco) at Syrian hotshot Michael Madanly (NLEX).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page