top of page

2 execs ng GMA-7, ‘di raw kakampihan… JOJO NONES AT RICHARD CRUZ NA INIREKLAMO NG RAPE NI SANDRO MUHLACH, PINAIIMBESTIGAHAN NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2, 2024
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | August 2, 2024


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Naglabas ng second statement ang GMA Network and this time, ipinaalam na natanggap na nila ang pormal na reklamo ni Sandro Muhlach sa dalawang tao na nang-rape sa kanya.


“GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.


“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.


“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.


“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality,” pahayag ng GMA Network.


Ang network na ang nagpangalan sa mga inirereklamo ni Sandro Muhlach at kung bibisitahin ang Facebook (FB) account nila, nakalagay ang “Popular Now.” Ang daming gustong makibalita ng update sa isyung ito.



Great friends lang daw… KYLINE AT KOBE, MAGBABAKASYON ABROAD


Showbiz News
Photo: Mega Entertainment & Circulations / FB

Ini-repost ni Kobe Paras (a.k.a. Koko) ang cover ni Kyline Alcantara for Mega Magazine at ang nakasulat sa caption ay “My covergirl @itskylinealcantara.” 


Nag-comment din ng emoticon si Kobe sa Instagram (IG) ni Kyline nang i-post nito ang cover ng magasin. Ang emoticon na ginamit ni Kobe ay mukha ng tao na ang mga mata ay may pulang puso.


Biniro tuloy si Kobe na iba siyang magsuporta kay Kyline at may nagbiro pa na mabilis siyang mag-post, dahil siya nga ang naunang mag-comment kesa sa mga fans ni Kyline at ang feeling ng mga fans, nakabantay si Koko sa IG ni Kyline.


As expected, marami ang kinikilig sa emoticon comment ni Koko at marami na naman ang pala-desisyon. Sana raw, hindi na sila maghiwalay at maging end game nila ang isa’t isa. Nakaka-off lang ang mga comments kay Koko na sana, genuine siya kay Kyline, ‘wag niyang paiiyakin at ipaglaban. 


Hindi muna hayaang mag-enjoy ang dalawa sa kung anumang relasyon meron sila sa ngayon. 


Sey ni Koko “great friends” lang sila ni Kyline, kaya hayaan nating madiskubre pa nila ang isa’t isa.


Samantala, may trip outside the country this August sina Kobe Paras at Kyline Alcantara, hayaan natin na sila na ang magbalita ng iba pang detalye tungkol dito.



Pa-like like lang… RICHARD, ‘DI BINATI NG HAPPY BIRTHDAY SA SOCMED SI BARBIE


Showbiz News
Photo: Barbie Imperial & Richard Gutierrez / IG

Pinakilig din nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ang kanilang mga shippers nang mag-like ang aktor sa post ni Barbie na 26th birthday kahapon. 


Isa si Richard sa 82,247 na nag-like sa birthday post ni Barbie. Ang nasabing number ay ang time na tsinek namin ang Instagram (IG) account ng aktres, by this time, sigurado na nadagdagan na ang nag-like sa post.


Gusto sana ng mga fans na mabasa ang birthday message o ang birthday greetings ni Richard kay Barbie, kaya lang, mukhang hindi pa ready mag-comment si Richard sa post ni Barbie and vice-versa. 


Hayaan muna natin na pa-like-like muna sila sa kani-kanyang post. Darating din ang araw na mababasa natin ang mga comments nila.


Saka, sigurado namang binati ni Richard ng happy birthday si Barbie, in private nga lang, hindi na natin alam. Malay din natin at nag-dinner sila kagabi, mag-wish na lang kayo na kung nag-date man sila kagabi, may mga netizens na nakakita sa kanila at nakunan sila ng picture. I-wish din natin na i-post kung sinuman ang nakakuha ng photos ng dalawa para makita natin.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page