top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

2 eroplano nagbanggaan, 4 na piloto, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | October 25, 2026



Banggaan ang dalawang SF-260 aircraft habang nagsasagawa ng training flight sa Fernando Air Base sa Lipa City - Circulated SS

Photo: Banggaan ang dalawang SF-260 aircraft habang nagsasagawa ng training flight sa Fernando Air Base sa Lipa City. - Circulated SS



Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) ang pagkamatay ng apat na piloto matapos magbanggaan ang dalawang SF-260 aircraft habang nagsasagawa ng training flight sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas. 


Nangyari ang insidente alas-3:51 ng hapon habang nagsasagawa ng training flight ang mga eroplano na may tail number 32 at 37.


Kabilang sa mga nasawi ang 1st Lieutenant, 1 Major at 1 Captain.

Sa inilabas na pahayag ng PAF, nagpahatid ito ng taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya, mahal sa buhay at mga kasamahan ng mga nasawing piloto.


Dahil sa malagim na insidente, ipinatigil pansamantala ang pagpapalipad ng SF-260 aircraft.


Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang naging sanhi ng aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page