2 Dekadang URCC may bakbakan at bugbugan
ni Gerard Arce - @Sports | November 29, 2022

Ipagdiriwang ng Universal Reality Combat Championship (URCC) ang dalawang dekada ng pagpapalabas ng matitinding bakbakan at bugbugan sa bagong handog na URCC 81: ‘Decades of Success’ (DOS) sa isang gabi ng salpukan sa Dis. 6 sa pinakamatitinding mixed martial artists sa Okada Manila sa Parañaque City.
Inihayag ni URCC founding President Alvin Aguilar na makalipas ang tatlong taon sapol ng huling ganapin ang isang main event na banatan ay muling ihahatid ang pagbabalik ng ilan sa events tulad ng 3 Versus 3, isang MMA fight at ang Bare-knuckle bouts. “Our first main event in three years will definitely an unforgettable night in mixed martial arts because we settled in fight nights during the course of the Covid-19 pandemic. Now, we have a lot of good fighters and everyone is very excited,” pahayag ni Aguilar na huling beses ginawa ang isang main event card noong Nob. 2019 na ‘Retribution’ sa parehong venue.
Gayunpaman, kahit na nasapol ng malagim at malupit na COVID-19 pandemic ay nagpatuloy ang nangungunang local MMA organization sa pagkakaroon ng tatlong laban matapos payagan ng pamahalaan ang contact sports.
Ipaparada ng Team Philippines ang grupo nina Sugar Ray “Mammoth” Estroso, Caloy “Bad Boy” Baduria at Boss Bullet Manliclic laban sa South Koreans nina Jeong Minhun, Choi Wontae at Jeon Youngjun sa kaabang-abang na 3 versus 3 event.
“We have to go up against other Asian countries before we start expending. So we meet Korea then later on China again and then we will invite people from Russia and the USA. This is the fourth time we will be holding this 3 versus 3 fight,” wika ni Aguilar.





Comments