2 bus driver, postibo sa droga

ni Gina Plenago @News | October 28, 2026

Photo: Random drug testing. PITX / MMDA
Dalawang bus driver ang nagpositibo sa paunang random drug test ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa PITX at tatlong bus terminal sa Cubao noong Oktubre 26, bilang paghahanda sa Undas 2026.
Sa 118 driver na sinuri, 116 ang negatibo. Pansamantalang pinagbawalang bumiyahe ang dalawa habang hinihintay ang confirmatory test. Kapag nakumpirmang positibo, babawiin ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang lisensya.
Sinuri rin ng mga awtoridad ang fire extinguishers at emergency equipment ng mga bus upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.





Comments