2 BFF na aktor, kaya in-unfollow… DONNY AT KYLE, PINAGSESELOSAN DAW NG FIL-AM ACTOR BF NI MAYMAY
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 22, 2026

Photo: IG @kyleecharri & @donny & @maymay
How true kaya na nagseselos ang Fil-Am actor boyfriend ni Maymay Entrata na si Joaquin Enriquez sa mga kaibigan at katrabahong aktor nito?
In-unfollow kasi ni Maymay sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri na parehong nakasama niya sa seryeng Roja gayung wala namang nabalitang alitan sa pagitan nila.
Marespeto ang dalawang aktor sa kanilang mga katrabaho kaya mapapaisip ka kung bakit biglang in-unfollow ng dalaga ang dalawa.
Usapan ngayon na may selos factor daw si Joaquin sa dalawa na nakilala niya noong nagsu-shooting sila ng Roja dahil dumadalaw umano siya sa set.
Kaya nagkakabiruan kung sino ang susunod na ia-unfollow ni Maymay Entrata na katrabaho niya sa ABS-CBN.
SA unang pagkakataon ay masama ang karakter ni Janno Gibbs sa action series na Totoy Bato (TB) ni Kiko Estrada at aminadong dream role niya ito dahil nga nakilala siya na laging good o naughty ang papel.
“Dream role ko maging bad kasi alam n’yo naman, komedyante ako, so bihira ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon na mag-portray ng serious at lalo na medyo bad pa, so enjoy na enjoy ako and thankful,” kuwento ni Janno sa nakaraang finale mediacon ng TB na ilang gabi na lang ay mamamaalam na sa ere.
Nabanggit ng TV host, singer, actor at direktor na rin ng vertical series sa Viva Movie Box na suportado niya si Kiko dahil seryoso ito sa craft niya.
“First time at naging close talaga kami ni Kiko kasi role ko ay dikit kami dahil ako ‘yung tito n’ya.
“Sobrang bilib ako kay Kiko, tuwang-tuwa ako kasi gusto n’yang mapaganda talaga bawat eksena, bawat linya. Perfectionist s’ya, may drive talaga ‘yung bata at may passion kaya sinusuportahan ko at lalo akong ginaganahan sa ginagawa ko,” paglalarawan ni Janno kay Kiko.
Samantala, kinlaro ni Janno na sumusunod sila sa Eddie Garcia Law. Nabanggit kasi ni Diego Loyzaga na ‘putok-araw’ ang last taping day nila ng TB dahil tinapos ang lahat ng action scenes.
Sinalo rin ito ni Kiko mismo na hindi sila inuumaga sa taping at sa last taping day lang ito nangyari.
Abangan ang pagtatapos ng Totoy Bato sa TV5 sa ganap na 8 PM, handog ng MQuest Ventures, MavenPro, Studio Viva, SariSari at Epik, mula sa direksiyon nina Albert Langitan, Ambo Gonzales at Zyro Radoc.
ANG NUSTAR Online ay nagpapahayag ng kanilang pananabik at pasasalamat dahil nakakuha ito ng tatlong taong pakikipagtulungan sa Binibining Pilipinas, ang pinakaprestihiyoso at pinakalumang aktibong pambansang beauty pageant.
Bilang opisyal na presenter ng Binibining Pilipinas 2026, tinatanggap ng NUSTAR Online ang aktibong papel nito sa mga pre-pageant milestone hanggang sa coronation night.
Ang NUSTAR Online ay nananatiling nakatuon sa pagdiriwang ng pamumuhay at kultura sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga kaganapang nagbibigay-kapangyarihan sa kumpiyansa, pagka-malikhain at pangako.
Para sa sponsorship ng Binibining Pilipinas, ipinagdiriwang ng NUSTAR Online ang indibidwalidad at kumpiyansa sa pamamagitan ng pagtukoy sa kinakatawan ng BBP – kagandahan, katawan at pagkatao, mga haligi na gumagabay sa tatak sa pagkilala sa isang kandidatong tunay na kumakatawan sa modernong Filipina.
Habang nagpapatuloy ang kompetisyon, inilalapit ng NUSTAR Online ang pageant sa mga tagahanga nito sa pamamagitan ng mga pocket event, aktibidad na pinangungunahan ng brand at mga digital na inisyatiba sa mga darating na buwan.
Manatiling nakatutok para sa mga update.
Higit pa rito, ibinahagi ng NUSTAR Online ang eksklusibong pag-aalok nito ng Luxury Summer Getaway kung saan ang mga manlalaro ay may pagkakataong makaranas ng five-star stay sa NUSTAR Resort and Casino Cebu.
Sa mga aktibidad na ito, tina-tap ang organisasyon ng media upang tumulong sa pagpapalaganap ng mahahalagang gawaing ito.
Naniniwala ang NUSTAR Online na makatutulong ito sa pagpapalawak ng mensahe sa mga parokyano, kliyente at bagong tagasunod ng brand.




Comments