2 bebot, timbog din... Delivery rider, kulong sa P6.8M shabu
- BULGAR

- 6 days ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | July 18, 2026

Photo: File
Natiklo sa buy-bust operation ng Makati City Police Station-Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang delivery rider at dalawang babae na may dalang mahigit P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Makati City, Biyernes ng madaling-araw.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, dinakip ang mga suspek na pawang high value individuals (HVIs) na sina alyas Wewel, 30; Aiko, 20; at Aneng, 33, alas-3:42 ng madaling-araw ng Hulyo 16, sa Kalayaan Ave., Brgy. Singkamas, Makati.
Sinasabing nakipagtransaksyon ang rider sa poseur-buyer habang ang nasa 1,010 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,868,000 ang iniabot ng dalawang babaeng suspek.





Comments