2 bagyo ngayong Mayo
- BULGAR

- 49 minutes ago
- 1 min read
ng BRT @News | May 3, 2026

Photo: DOST-PAGASA
Inaasahan ang isa hanggang dalawang bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Mayo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga bagyo sa panahong ito ay kadalasang lumilihis at hindi direktang tumatama sa lupa, bagama’t may ilan pa ring dumaraan sa gitnang bahagi ng bansa.
Sakaling maging bagyo, papangalanan itong “Caloy” at “Domeng.”
Inihayag din na bagama’t posibleng mas kaunti ang bagyo, maaaring maging mas malalakas ang mga ito ngayong taon.




Comments