2 anak, kayang-kayang buhayin… KYLIE, ‘DI NA UMAASA NG SUSTENTO KAY ALJUR
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 25, 2026

Photo: IG Kylie at Aljur
MAaraming viewers ng seryeng Taskforce Firewall (TF) ang nagsasabing ang galing-galing ni Kylie Padilla sa kanyang role bilang si Isa, ang chief ng grupong Firewall. Lalo na sa mga eksenang natuklasan na niya ang pagtataksil ng kanyang mister.
Hindi OA at hysterical ang ibinigay na emosyon ni Kylie. Pigil na pigil ang kanyang galit, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang sobrang frustration.
Posibleng ang naging motivation ni Kylie Padilla ay ang nangyari sa paghihiwalay nila ng kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica.
Maging sa confrontation scene nila ng kanyang mister (ginagampanan ni Luis Hontiveros) sa TF ay todo ang ibinigay niyang emosyon. Punumpuno iyon ng galit at panunumbat.
For sure, maraming natutunan si Kylie sa kanyang pagiging single mom. Hindi na siya umaasa pa ng sustento mula kay Aljur para sa dalawa nilang anak. Kakayanin niyang itaguyod mag-isa ang pagbibigay ng magandang future sa kanyang mga anak. Hindi rin siya humihingi ng tulong sa kanyang amang senador na si Sen. Robin Padilla.
Sa wakas, natuloy na rin ang matagal nang hinihintay na reunion ng mga loyal fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Ilang taon na nilang inaabangan ang balik-tambalan ng dalawa sa telebisyon.
Noong nasa ABS-CBN pa sila ay binalak na nilang ituloy ito. Sabik na sabik na ang mga fans nina Jolens at Marvin na ngayon ay matutuloy na ito sa TV5.
Bibida sila sa isang brand new daily TV series na ididirek ni Roman Perez, Jr.. Magkakaroon ng premiere ang pilot episode na mapapanood sa August 10.
Kasama sa mga bubuo ng cast sina Dominic Ochoa, Susan Africa, at ang mga talents ng Star Worx Batch 1.
Aktibo nang muli ang mga loyal fans nina Jolens at Marvin Agustin. Aabangan ng kanilang mga tagahanga ang mga bagong kaganapan sa balik-tambalan ng kanilang mga idolo. Tiyak na may kilig factor pa rin ang Jolina-Marvin tandem.
MAY mga fans na nagsasabing hindi totoo na nililigawan ni Bimby Aquino si Cassandra Ynares, anak nina Antipolo Mayor Junjun Ynares at Andrea Bautista (kapatid ni Bong Revilla, Jr.).
Si Bimby mismo ang nagsasabing magkaibigan lang sila ni Cassandra. Maaaring may gustong sumira sa love team ng MaeBy (Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino). Inililigaw lang nila ang publiko.
Well, komportable na si Bimby sa kanyang pagho-host sa Eat… Bulaga! (EB!). Swak ang tandem nila ni Aleng Maliit (Ryzza Mae).
May ilang loyal viewers ang EB! na nagtatanong kung totoo bang may sarili nang stylist si Bimby na kasama sa studio kapag nagho-host siya. At kasama rin daw ni Bimby ang dating makeup artist ng kanyang mommy na si Kris Aquino, na nagme-makeup at nag-aayos ng kanyang hairstyle.
Well, artista na rin kasi si Bimby kaya dapat ay may stylist na siyang mag-aasikaso sa kanya. For sure, si Bimby naman ang nagpapasuweldo sa kanyang stylist at makeup artist.
IBA na ang aura ngayon ng Kapuso actress na si Max Collins. Lutang na lutang ang kanyang sex appeal na mistulang isang calendar girl. Parang hindi siya nagkaanak at pormang dalaga pa rin.
Tiyak na maraming umaaligid ngayon sa kanya. Walang balita kung nagpapa-annul na sila ni Pancho Magno ng kanilang kasal. Okey naman ang kanilang naging agreement sa co-parenting sa kanilang anak na si Skye.
Pang-leading lady pa rin ang porma ng katawan ni Max at bagay sila ni Dingdong Dantes sa seryeng The Master Cutter (TMC).

%20-%20VICE%2C%20BINUGAHAN%20NG%20TUBIG%20SA%20MUKHA%20ANG%20BABY%20DOLLS%20MEMBER%2C%20NA-BASH%2C%20T.jpg)



Comments