top of page

2.4M naiipit sa Middle East... Mga Pinoy, safe sa giyera ng US-Israel at Iran — PBBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17h
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | March 2, 2026



Bongbong Marcos - FB

Photo: Bongbong Marcos - FB



Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa publiko na ligtas ang mga Pilipino sa Middle East sa gitna ng patuloy na airstrikes ng Iran bilang tugon sa mga pag-atake ng United States at Israel.


Sa isang video message kahapon, sinabi ng Pangulo na hanggang alas-9 ng umaga ay wala pang naitatalang nasaktan o nasawing Pilipino sa kasalukuyang kaguluhan.


“Nais kong i-report sa ating mga kababayan na sa ngayon, as of 9 a.m. Sunday, wala po tayong natatanggap na report na may casualty na Pilipino,” ani Marcos.


“Wala pong Pilipino ang namatay, wala pong Pilipino ang nasaktan. At sa ngayon ay patuloy ang aming pag-monitor para tiyakin na nasa magandang kalagayan ang ating mga kababayan sa Middle East,” dagdag pa niya.


Ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), mahigit 2.4 milyong Pilipino ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa sa Middle East.

Sinabi rin ng Pangulo na base sa monitoring ng pamahalaan, nakasunod ang mga Pilipino sa safety protocols, kabilang ang pagpunta sa mga bomb shelter at paglayo sa

mga lugar na may presensya ng mga military base.


“Sila ay nakapunta sa mga bomb shelter kung saan sila. At lumalayo sila doon sa mga bases ng Amerikano upang hindi naman sila mapalapit sa alanganin,” ani Marcos.


Gayunman, inamin ng Pangulo na nananatiling seryoso ang sitwasyon at posibleng magpatuloy ang tensyon sa rehiyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page