top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2-1 na sa serye ang Lakers at Nuggets, 1 pa sa Bucks

BULGAR
May 29, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 29, 2021




Naagaw ng defending champion Los Angeles Lakers ang 2-1 lamang sa seryeng best of seven matapos ang 109-95 panalo sa Game Three kontra sa Phoenix Suns sa NBA Playoffs kahapon mula sa Staples Center. Patuloy ang pagbuhat nina LeBron James at Anthony Davis sa Lakers sa opensa at depensa at maghahanda na sila para sa Game Four ngayong Lunes.

Hawak ng Lakers ang 43-40 na lamang matapos ang first half subalit biglang uminit ang dalawang bituin at nagsanib pwersa para sa 28 ng 33 puntos at lumayo, 76-63. Hindi pa tapos si James at ang kanyang buslo na may 8:32 nalalabi ang nagtakda ng kanilang pinakamalaking lamang, 91-70.

Nagtapos si Davis na may 34 puntos at 11 rebound sa 40 minuto at sinundan ni James na may 21 at Dennis Schroder na may 20 puntos. Double-double sa Suns si DeAndre Ayton na 22 puntos at 11 rebound subalit nahirapan ang Phoenix at hindi nakalaro ng maayos si Chris Paul bunga ng masakit na balikat.

Umabante rin ng 2-1 sa seryeng best of seven ang bisitang Denver Nuggets sa Portland Trail Blazers, 120-115. Kumalas ang Nuggets sa 91-91 na tabla salamat sa tatlong tres ni Austin Rivers upang lumamang, 106-96, at kumapit ng husto sa huling tatlong minuto.

Bumida si Rivers, anak ni Coach Doc Rivers ng Philadelphia 76ers, sa 16 ng kanyang 21 puntos sa fourth quarter at tulungan si Nikola Jokic na may 36 puntos at 10 rebound. Ang Game Four ay sa Moda Center muli ngayong Linggo.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Milwaukee Bucks matapos patahimikin ang Miami Heat, 113-84. Maaaring wakasan at walisin ng Bucks ang seryeng best of seven sa Linggo at maging unang koponan na papasok sa East Semifinals.

Ipinasok ng Heat ang unang buslo at mula roon ay puro Bucks na ang kuwento simula kay Jrue Holiday na gumawa ng 7 puntos sa 1st quarter at maagang lumayo, 26-14. Nanguna sa Milwaukee si Khris Middleton na may 22 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page