top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

2,016 dagdag kaso ng HIV

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 18, 2026



HIV - AIDS test - File

Photo: File



Idineklara ng Fiji ang national emergency dahil sa mabilis na pagtaas ng HIV cases, kasabay ng pagpapalawak ng testing, treatment at prevention services.


Ayon kay Health Minister Antonio Lalabalavu, umabot sa 2,016 ang bagong HIV diagnoses noong 2025, habang nasa 9,100 na ang mga taong may HIV sa bansa.


Tumaas din ang prevalence sa mga adult sa isa kada 60 mula sa isa kada 167 limang taon na ang nakalipas, habang dumarami ang mga sanggol na namamatay dahil sa HIV-related complications.


Iniuugnay ng health experts at NGOs ang outbreak sa drug use, unsafe sex, needle sharing at “bluetoothing” o paggamit ng dugo ng taong nakainom na ng droga para sa injection.


Bilang tugon, maglulunsad ang gobyerno ng syringe at needle programme matapos amyendahan ang kinakailangang batas. Hinikayat din ang publiko na magpa-HIV test at huwag matakot sa stigma.


Ayon sa UNAIDS, 39% lamang sa mga may HIV noong 2025 ang nakaaalam ng kanilang status, habang 22% lang ang tumatanggap ng antiretroviral treatment—malayo sa 78% global average.


Sinabi ni Jason Mitchell ng national HIV response taskforce na maaaring abutin ng mahigit limang taon ang pagkontrol sa epidemic, na naglalagay na rin ng dagdag na pressure sa health services ng Fiji.


Pinuri naman ng UNAIDS ang emergency declaration, dahil nagpapakita umano ito ng agarang pangangailangang palakasin ang HIV response ng pamahalaan at komunidad. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page