Search
  • BULGAR

19 NSAs kani-kanya nang hanap ng Bubble Venue para sa Olympic Training

ni Gerard Arce - @Sports | September 25, 2020




Magkakaroon ng pagbabago sa naunang naging plano ng Philippine Sports Commission (PSC) hinggil sa magiging simula ng pagsasanay at paghahanda ng mga Olympic bound at hopefuls pagdating sa mga pagdarausan ng training venues na pinapanatili pa rin ang health at safety protocols ng bawat athletes at coaches.


Inihayag ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy na tila hindi na masusunod pa ang pagtatalaga sa Philsports Complex sa Pasig City bilang pangunahing venue na paggaganapan ng pag-eensayo ng mga national athletes dahil sa patuloy na paggamit dito bilang coronavirus disease (Covid-19) facility ng pamahalaan.


Napagkasunduan umano nina PSC Chairman William “Butch” Ramirez at national Training Director Marc Velasco na sundin na lamang ang nais ng bawat mapiling lugar ng National Sports Association (NSA) na paggaganapan ng kanilang trainings tulad ng isang “Bubble venue facility.”


In the last meeting of Marc [Velasco] and Chairman [Ramirez]; there is a change of venue since the NSA has venue in their proposal to the Games Secretariat & Chef de Mission [Nonong Araneta], the reason is that Philsports is still used as Covid-19 facilities,” pahayag ni Iroy sa panayam ng Bulgar Sports sa pamamagitan ng online interview.


Bibigyan na lamang ng awtorisasyon ang mga NSA heads na maghanap ng sarili nilang venue na magpapalabas ng maayos na health at safety protocols na isusumite kay Velasco, habang kinakailangan ring may koordinasyon sa Philippine Olympic Committee (POC). Nararapat rin umano na sumusunod at sumasang-ayon ito sa ipinalabas na Joint Administrative Order (JAO) nang PSC, Games and Amusement Board (GAB) at Department of Health (DOH).


Each NSA has venue provided for their training and I think health protocol will be submitted as required and Marc in coordination with the Philippine Olympic Committee (POC) will be presented to Department of Health (DOH) pursuant to Joint Administrative Order (JAO), together with the Games and Amusement Board,” esplika ni Iroy.


Kabilang din sa kasunduan ay dapat ding magpasa ng sarili nilang ‘safety protocols’ ang napiling “Bubble Venue” ng bawat NSAs, na tinukoy ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino na aabot sa 19 na NSAs na susubok pang makakuha ng ticket para sa 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon sa pagsabak sa iba’t ibang Qualifying Tournaments.


Health Protocol of Venue Owner should also have protocol. They are subject to inspection by PSC thru MSAS [Medical Scientific Athletes Services] headed by Marc,” saad ng sports official. “Ito talaga ang purpose ng JAO.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.