top of page

18 pribadong paaralan, sumabak na sa face-to-face classes — DepEd

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2021
  • 2 min read

ni Lolet Abania | November 22, 2021


ree

Maraming pribadong paaralan ang nagbukas na ng kanilang mga classroom para sa mga estudyante na sasabak sa face-to-face classes, kung saan nakatakda ang pilot implementation na ito ng gobyerno ngayong Lunes, Nobyembre 22.


Sa pagsisimula ng limited in-person instruction, 18 private schools mula sa mga lugar na nasa “low risk” sa COVID-19 ang muling binuksan sa mga estudyante ng Kindergarten hanggang Grade 3 at senior high school (SHS) na nag-secure ng consent ng kanilang mga magulang para um-attend sa physical classes sa kabila ng pagkakaroon ng krisis sa pangkalusugan.


Ayon kay Jocelyn Andaya, director ng Department of Education (DepEd), 20 pribadong eskuwelahan ang pinayagan para sa pilot study subalit ang dalawang paaralan ay ipinagpaliban ang pagsasagawa ng in-person classes dahil sa kanilang academic calendars.


Katulad ng 100 pampublikong paaralan na nagbalik sa in-person learning noong nakaraang linggo, ang mga pribadong paaralan ay nag-retrofitted o isinaayos din ang kanilang mga pasilidad para sa mga estudyante at personnel upang masunod ang mga kailangang health protocols laban sa pagkalat ng COVID-19.


“May designated places kung saan lang puwedeng manatili ‘yung mga estudyante. Gumamit tayo ng open spaces or doon sa mga lugar na maayos ang ventilation. And, of course, dapat may access to cleaning materials and also for hygiene,” paliwanag ni Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (Cocopea) Managing Director Joseph Noel Estrada sa Laging Handa public briefing.


Ayon kay Estrada, hiniling na rin ng Cocopea sa DepEd kung ang grupo ay maaaring mag-monitor sa sitwasyon sa mga “pilot schools” upang aniya, makapagbigay rin sila ng rekomendasyon para sa “expansion phase,” ang second stage ng three-part plan ng gobyerno sa muling pagbubukas ng basic education schools.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page