18 patay, 42 nadale... Dorm ng mga estudyante inatake ng Ukraine, Russia, gaganti
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @World News | May 25, 2026

Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na gaganti ang Russia matapos ang umano’y pag-atake ng Ukraine sa isang dormitoryo ng mga mag-aaral.
Ayon sa ulat, umabot sa 18 katao ang nasawi at 42 ang nasugatan sa insidente sa Starobilsk, sa Luhansk region.
Samantala, sinabi ng Ukraine military na ang kanilang isinagawang airstrike ay tumama umano sa Rubicon drone military unit na matatagpuan sa parehong lugar.
Giit naman ni Putin, walang anumang military facilities sa naturang lokasyon na tinamaan ng pag-atake.
Kasunod nito, inutusan ng Russian President ang kanyang mga sundalo na maghanda para sa posibleng pagganti.





Comments