top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

173K kaso ng dengue, naitala sa ‘Pinas — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 14, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | October 14, 2022


Umabot na sa 173,233 dengue cases ang naitala mula ng umpisa ng taon, kung saan 191 porsiyentong mas mataas sa bilang ng mga kaso na nai-record noong 2021, ayon sa Department of Health ngayong Biyernes.


Sinabi ni Dr. Alethea De Guzman, director ng epidemiology bureau ng DOH, nagsimula ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa sa ikatlong linggo ng Marso.


“Nag-peak tayo ng ikalawang linggo ng Hulyo at ngayon, makikita natin sa epidemic curve na tuloy-tuloy na ang pagbaba kaso ng dengue,” pahayag ni De Guzman sa press briefing.


Mula Enero 1 hanggang Oktubre 1 ng nakalipas na taon, mayroong 59,514 kaso ng dengue ang nai-record.


Kabilang dito ang Central Luzon na may 34,347, Metro Manila na 18,638 at Calabarzon na 14,984 kaso sa may mga pinakamaraming bilang ng dengue cases sa iba’t ibang rehiyon.


Batay din sa datos ng ahensiya, lumabas na 54 porsiyento ng infected ng dengue ay nasa edad below 15.


Ayon sa DOH, hanggang nitong Oktubre 1 ay nasa 528 dengue-related deaths o may 0.3 percent case fatality rate na ang nai-report.


Naitala naman ng ahensiya ang Central Luzon, BARMM at CAR na lumagpas sa epidemic threshold sa nakalipas na apat na morbidity weeks.


Ang mga sumusunod na lugar na nakapag-record ng positive growth rate ng mga kaso ng dengue sa nakalipas na buwan:


• CAR – Abra, Mt. Province

• Cagayan Valley – Batanes, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Santiago City

• Central Luzon -- Angeles City, Zambales

• Calabarzon – Cavite, Lucena City

• Mimaropa – Marinduque, Palawan, Romblon

• Bicol Region – Sorsogon

• Central Visayas – Bohol, Cebu City, Mandaue City

• Eastern Visayas -- Ormoc City, Southern Leyte

• Zamboanga Peninsula -- Zamboanga Sibugay

• Northern Mindanao – Bukidnon, Cagayan de Oro, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental

• Davao Region -- Davao City, Davao del Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental

• Soccsksargen -- General Santos City, South Cotabato, Sultan Kudarat

• BARMM – Basilan, Lanao del Sur, Sulu

• Caraga -- Surigao del Sur

• National Capital Region -- Caloocan City, Las Piñas City, Makati City, Mandaluyong, Manila City, Muntinlupa City, Parañaque City, Pasay City, Pasig City, Pateros, San Juan City, Taguig City, Valenzuela City


Sa press briefing, sinabi naman ni De Guzman na ang mga kaso ng dengue ay bumaba na sa lahat ng lugar na naideklara ang outbreak, maliban sa Southern Leyte. Ang mga lugar ay Zamboanga City, Antique at Zamboanga Sibugay.


Ayon sa World Health organization, “The dengue virus is transmitted to humans through the bites of infected female mosquitoes, primarily the Aedes aegypti mosquito.”


“While majority of dengue cases are asymptomatic or show mild symptoms, it can manifest as a severe, flu-like illness that affects infants, young children and adults, but seldom causes death,” batay sa WHO.


Gayundin, kadalasan ang mga sintomas ay tumatagal ng 2 hanggang 7 araw, matapos ang isang incubation period ng 4 hanggang 10 araw, makaraang makagat ng infected na lamok, ayon pa sa WHO.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page