17 yrs. old, niratrat sa comp shop
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 13, 2026

Photo: Circulated
Patay ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang salarin sa loob ng isang computer shop sa Brgy. Sambag 1, Cebu City, Lunes ng madaling-araw.
Kinilala ng Cebu City Police ang biktima na si James Anthony Macawili.
Batay sa imbestigasyon, sinamahan ng biktima ang kaibigan nitong si “Janjan” para maglaro ng computer game.
Batay sa salaysay ng caretaker ng computer shop, pumasok sa kanilang establisimyento ang hindi nakilalang suspek na nakasuot ng face mask, naka-jacket at kulay itim na shorts at pinagbabaril si Macawili.
Batay sa kuha ng CCTV sa shop, binalikan pa umano ng suspek ang biktima para barilin ulit, subalit hindi pumutok ang baril.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon para madakip ang salarin.





Comments