top of page
Search
BULGAR

161 empleyado ng CSC, positive sa COVID-19

ni Lolet Abania | January 17, 2022



Humigit-kumulang sa 161 personnel ng Civil Service Commission (CSC) ang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Sa Laging Handa public briefing ngayong Lunes, sinabi ni Commissioner Aileen Lizada na ang latest data ay nanggaling sa CSC central at regional offices.


“More or less, we have 161 positive po and awaiting ho kami doon sa ibang close contact or ‘yung naghihintay ng result ng swabbing so ‘yun ho ang aming minomonitor. Right now, we are 161 positive,” ani Lizada.


Ayon kay Lizada, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID, tatalakayin nila sa CSC kung magpapatupad sila ng polisiya hinggil sa mandatory vaccination sa kanilang mga empleyado.


“Magkakaroon ho kami ng commission meeting twice ngayong week, if I’m not mistaken naka-agenda na po ‘yan so we are finalizing our policy on this one,” sabi ni Lizada.


Nagpahayag naman ng suporta si Lizada para sa mandatory testing ng mga empleyado ng gobyerno upan matiyak ang kaligtasan ng bawat personnel laban sa COVID-19 at para magarantiya ang mahusay serbisyo nito sa publiko.


Sinabi pa niya na ang COVID-19 testing ay walang bayad sa mga empleyado.


“Kukunin ho sa MOOE (maintenance and other operating expenses) ninyo so kung mayroon kayong teams, Team A, Team B, puwede ho kayong magtesting, let's say every two weeks kung kailan ho 'yung palitan ng next team natin,” saad ng opisyal.


“So let us be preventive and protective as well so at least assured kayo na lahat ho ng nandoon sa inyong bubble ay safe po at di tayo makakahawa sa ibang tao,” dagdag pa ni Lizada.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page