top of page
Anjo Yllana vs TVJ - Ogie Diaz Inteview - YT.jpg

16 yrs. inipon… RYAN, KESA MAG-B-DAY, IBINIGAY ANG DATUNG SA DRIVER AT STAFF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 19 hours ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 8, 2026



Ryan Bang YT Channel

Photo: Ryan Bang YT Channel



Imbes na gastusin ang kanyang naipon para sa sarili, ibinahagi ng It’s Showtime (IS) host na si Ryan Bang ang kanyang biyaya sa dalawa sa mga taong matagal nang naging bahagi ng kanyang buhay—ang kanyang personal assistant na si Joyce, na limang taon nang nagtatrabaho sa kanya, at ang kanyang driver na si Ronald, na nasa kanyang serbisyo sa loob ng 13 taon, bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Hunyo 16.


Sa kanyang YouTube (YT) vlog, ikinuwento ni Ryan ang pinagmulan ng perang kanyang ipinamahagi.


“Magkukuwento talaga ako sa inyo para kumpleto ang birthday ko. Kanina, nag-share ako sa It’s Showtime, nag-start ako nu’ng August 16, 2010. ‘Yun ang first day ko bilang hurado, dapat dalawang linggo lang talaga ako. Sabi sa akin ng nanay ko at s’yempre ng tatay ko, ‘Anak, mag-ipon ka. Lagi kang mag-ipon, kahit maliit,’” kuwento niya.


Ibinunyag niyang mula pa noong 2010 ay nag-iipon siya ng P1 thousand kada buwan.

Aniya, “Nahihiya ako, actually, mag-share nito, pero ginawa ko, nag-ipon po ako ng P1,000 kada buwan. Ngayon, birthday ko, nakita ko na umabot na sa ₱190,000 ang total na naipon ko.”


Bukod dito, kumita rin siya ng P10,000 mula sa kauna-unahang event ng kanyang Creators Ukay at Sari-Sari Space/Sari-Sari Market, kung saan tampok ang mga produktong gawa ng mga Pilipino.


“So total, mayroon na akong P200,000. At alam n’yo, galing ‘to sa puso ko,” aniya.

Ayon kay Ryan, matagal na niyang nais na suklian ang kabutihan ng kanyang personal assistant (PA) at driver dahil sila ang naging pinakamalapit niyang pamilya habang naninirahan sa Pilipinas.


Pahayag niya, “Matagal nang nagtatrabaho sa akin ang personal assistant ko at driver ko. Sila talaga ang pinakamalapit sa puso ko kasi wala po akong pamilya rito. S’yempre, malapit din sa akin si Mommy Vice at ang pamilya niya, pero araw-araw kong kasama ang driver ko at PA ko.”


Ikinuwento rin niya kung paano siya sinuportahan ni Joyce noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


“Napakabait ni Joyce. Noong pandemic, mag-isa lang ako rito. ‘Di ako makapunta sa bahay ni Mommy Vice. ‘Di n’ya ako iniwan, kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya.”


Samantala, ibinahagi rin niya ang espesyal na ugnayan nila ng kanyang driver na si Ronald.


Sabi ni Ryan, “Si Kuya Ronald, 13 years na s’yang nagda-drive sa akin. Gusto ko, ‘pag ikinasal ako, s’ya ang magda-drive sa akin. Lagi s’yang nar’yan para sa akin at ‘di n’ya ako iniwan. Sa kanya ako humihingi ng payo. Parang tatay ko talaga s’ya.”


Dagdag pa niya, inaanak niya ang anak ni Ronald na si Angelica, na kamakailan ay nagdiwang ng ika-siyam na kaarawan.


Ayon kay Ryan, itinuro ng kanyang mga magulang na alagaan at pahalagahan ang mga taong malapit sa kanya.


Sey niya, “Sabi sa akin ng mga magulang ko, alagaan ko ang mga empleyado ko dahil parang pamilya ko rin sila.”


Sa pagtatapos ng vlog, nagpasalamat si Ryan sa Diyos at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.


Mensahe niya, “Thank you kay Lord na ginagamit Niya ako para magpasaya at makatulong sa mga Pilipino. Thank you so much sa pagmamahal ninyo sa akin, Madlang people, at sa lahat ng sumusuporta sa akin kahit hindi malinaw ang pananalita ko.”


Wow! Iba talaga ang ugali ni Ryan Bang. Hindi nakapagtataka kung bakit mahal na mahal siya ng Mommy Vice niya. Sobrang bait kasi niya, hindi tulad ng iba na noong sumikat lang ay nagbago na ang ugali at naging matapobre. 

Pak, ganern!





KASALUKUYANG nagpapagaling ang singer na si Dingdong Avanzado matapos sumailalim sa operasyon at muling ma-admit sa ospital, ayon sa ibinahaging pinakabagong update ng kanyang misis na si Jessa Zaragoza.


Ayon kay Jessa, mula pa noong Father’s Day noong June 22 ay pabalik-balik na sila sa ospital dahil sa mga kinakaharap na health challenges ni Dingdong. Dahil dito, kinailangan din niyang ipagpaliban ang ilan sa kanyang mga nakatakdang commitments upang matutukan ang pag-aalaga sa asawa.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Jessa, “I’ve been MIA (missing in action) dahil sa mga todo-pasang kaganapan sa life. Pasensya na sa mga postpone kong scheds. ‘Di ako maka-focus talaga.


“Since Father’s Day, June 22, we’ve been going back and forth to the hospital, as Dingdong’s been facing health challenges.


“Between his surgery and being admitted again this past Friday, I’ve realized, ‘di rin biro mag-alaga ng loved ones mo na may karamdaman. I have to be on my toes all the time ‘pag may kailangan s’ya.


“Thank you to all our family & friends who took time to visit Dingdong (‘yung iba are not in the picture). Salamat sa mga padala n’yong food. We appreciate you all. Thank you for the prayers.


“We’re looking forward to celebrating Dingdong’s birthday out of the hospital. ‘Yun na lang daw ang birthday wish n’ya. Thank you, Lord.”


Sa ngayon, hindi pa sinasabi ni Jessa Zaragoza ang eksaktong sakit o kondisyon ng kanyang mister pero base sa post, cardiologist at urologist ang doctor nito.

Get well soon, Dingdong! I wish you good health and a very fast recovery.





Na-starstruck daw sa komedyante… 

KARA, PINAHANGA NI VICE SA GRADUATION SPEECH SA UP


“NA-STARSTRUCK ako nu’ng makita ko s’ya,” sey ng broadcast journalist-propesor na si Kara David matapos niyang makilala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda, na nagsilbing commencement speaker sa pagtatapos ng University of the Philippines College of Media and Communication (UP CMC) noong Linggo.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Kara ang kanyang paghanga kay Vice.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page