16 weeks na… SOLENN, BUNTIS SA 2ND BABY NILA NG MISTER
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 5, 2022

Kasalukuyang nagdadalantao si Solenn Heussaff sa 2nd baby nila ni Nico Bolzico. Inanunsiyo nila ang magandang balitang ito sa kani-kanilang Instagram account kahapon at ang cute ng way ng pagkaka-announce nila.
Nag-post sila pareho ng short video kung saan ay ibinabalita nila na may bago silang nadiskubre na X-ray application sa smart phone.
Ini-scan ni Nico ang mukha niya sa cellphone at lumabas nga ang X-ray nito.
Pagkatapos ay ini-scan naman niya ang misis na si Solenn hanggang sa tummy nito at kitang-kita sa X-ray na may fetus sa loob ng kanyang tiyan.
Pareho silang nagulat at sey nila, “What?!”
Akala nga namin ay joke lang ito, pero marami ang nag-congratulate na celebrity friends sa kanila.
Bukod dito ay may seryosong IG Stories post si Solenn na larawan niya showing off her tummy na may slight baby bump na. Sa caption, aniya, “Hello 16 weeks.”
Yes, apparently, 16 weeks na siyang pregnant.
“Back to daily injections for bub number 2,” saad pa ng aktres.
May video rin si Solenn na ipinost kung saan ay makikitang nagwo-workout siya and stated, “Love that I am able to work out this time around.”
Matatandaang ipinanganak ni Solenn ang first baby nila ni Nico na si Thylane Katana in 2020.





Comments