top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

16-anyos, inabuso ng titser

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 13, 2026



Bronwen James, 30 - Circulated - Wiltshire Police

Photo: Bronwen James - Circulated / Wiltshire Police



Guilty ang dating PE teacher na si Bronwen James, 30, matapos mapatunayang nagkasala sa tatlong sexual offences laban sa isang 16-anyos na estudyante sa Winchester Crown Court.


Ayon sa prosecution, inabuso ni James ang tiwalang ibinigay sa kanya bilang guro matapos magkaroon ng malapit na komunikasyon sa estudyante at makipagtalik dito nang ilang beses sa kanyang bahay.


Nauna nang umamin si James sa siyam na sexual offences laban sa dalawang teenage girls mula sa Bitterne Park School at Hardenhuish School. Kabilang dito ang sexual activity at communication sa mga bata at paggawa ng indecent images.


Itinuring ng prosecution ang mga insidente bilang pattern ng predatory behaviour, habang sinabi ng NSPCC na sinamantala ni James ang kanyang position of trust bilang teacher.


11-1 ang naging boto ng jury para sa tatlong kaso, habang siya ay inabsuwelto sa ikaapat na charge. Inutusan siyang isuko ang passport at magsuot ng electronic tag hanggang sa kanyang pagdadala sa kulungan bago ang sentencing sa Lunes.





LALAKING NAGPADALA NG SEXUAL FANTASIES SA CHATMATE, 8 YRS. KULONG



KULONG nang walong taon si Richard Stevenson, 39,  matapos mahatulan sa Warwick Crown Court dahil sa tangkang pag-aayos ng sexual offence laban sa bata at paggawa at pamamahagi ng indecent images of children.


Nabisto ang kanyang plano matapos makipag-chat online si Stevenson tungkol sa kanyang sexual fantasies, naghahanap ng “partner” na makakasama sa kanyang mga plano at nagpapadala ng child sexual abuse material.


Hindi niya alam na undercover police officer ang kanyang kausap. Naaresto siya habang nasa loob ng van sa Coventry noong Mayo 2.


Bukod sa walong taong pagkakakulong, pinatawan siya ng dalawang taong extended licence, 18-year Sexual Harm Prevention Order at habambuhay na pagpaparehistro bilang sex offender.


Ayon sa pulisya, malinaw ang intensyon ni Stevenson na isagawa ang kanyang mga plano kung nagkaroon siya ng pagkakataon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page