Habang nagha-hiking... 15 yrs. old tinamaan ng kidlat, dedbol

by Jeff Tumbado @News | October 25, 2026

Photo: File
Nasawi ang isang 15-anyos na estudyante nang tamaan ng kidlat habang nagha-hiking kasama ang kanyang mga kaibigan sa Mt. Sayao, Brgy. Villa Consuelo, Naval, Biliran, Biyernes ng hapon.
Kinilala lamang ng pulisya ang biktima sa pangalang “Jimy”, na idineklarang patay bandang alas-9 ng gabi, ni Municipal Health Officer Ralph D. Bueno.
Ayon sa ulat ng Naval Municipal Police Station, maagang natapos ang klase ng biktima at mga kaibigan nang magpasyaang mg-hiking sa Mt. Sayao.
Gayunman, nagsimulang umulan alas-3:45 ng hapon kaya naghanap ng masisilungan ang grupo.
Pagsapit ng alas-4:10 ng hapon, tinamaan ng kidlat ang lugar at iniulat na tinamaan ang binatilyo.
Agad na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Naval Municipal Police Station at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.





Comments