15,000 doses ng Sputnik V Vaccines mula Russia, dumating na sa bansa
ni Ka Ambo - @Bistado | May 03, 2021
Dumating na ang 15,000 doses ng Sputnik V Vaccines mula Russia.
Ididiretso ito sa limang siyudad sa NCR — Maynila, Makati, Taguig, Muntinlupa at Parañaque.
Mayroon kasi silang maayos na cold storage!
◘◘◘
UMABOT na sa higit 400,000 katao ang tinatamaan araw-araw ng COVID sa India.
Nagkakaubusan na ang oxygen sa mga severe cases!
◘◘◘
BANDANG Agosto pa magkakaroon ng mass vaccination sa Pilipinas.
‘Yan ang pangarap ni vaccine czar Carlito Galvez!
◘◘◘
DAPAT nang idisenyo ang eleksiyon sa 2022 nang may social distancing.
Dapat magkaroon ng advance voting ang mga senior citizen, may sakit at may kapansanan!
◘◘◘
MARAMI pa rin ang mga sundalo at pulis na tinatamaan ng COVID.
Nilalabag nila ang mismong protocol!
◘◘◘
NASAAN ang mga dambuhalang korporasyon sa gitna ng pandemic?
Hinihintay na ang kanilang community pantry!
◘◘◘
KINOPYA lang daw ni Sen. Bong Go ang istorya ni Lapulapu kay P-Digong.
‘Wentu-wento lang talaga!
◘◘◘
AKTUWAL nang magkasangga sa pagbabantay sa West Philippine Sea ang AFP at Pentagon.
Napakalaking tama!
◘◘◘
UNANG putok na lang ang hinihintay ay magliliyab na ang kinatatakutang World War III.
Huwag sanang gawing battle ground ng US at China ang NCR Plus!
◘◘◘
IBINABALA na ang sobrang init ng klima.
Walang duda, maglalahong bigla ang COVID!
◘◘◘
KUNG ang Tagalog sa cupid ay kupido, ano ang Tagalog sa “COVID”.
Kobido o “Dukido”?
◘◘◘
IPINAPAYO na matapos magpabakuna ng anti-covid ay dapat daw na magpabakuna rin ng anti-flu at anti-pneumonia.
‘Yan ay para ma-perfect ang diskarte!





Comments