top of page
Search
  • BULGAR

14 reserved players sa NBA All-Star Game, inihayag na

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 25, 2021




Ipinakilala na ang 14 na manlalarong tatayong reserba para sa 2021 NBA All-Star Game sa umaga ng Marso 8 (oras sa Pilipinas) mula sa State Farm Arena ng Atlanta, Georgia. Ang listahan ay isang magandang kombinasyon ng mga beterano at mga pausbong na bituin na nabuo sa gabay ng 30 coach ng bawat koponan.


Una si Chris Paul ng Phoenix Suns na napili sa ika-11 pagkakataon. Si Paul ay Presidente ng unyon Players Association (NBPA) na malaking papel ang ginampanan upang matuloy ang taunang tradisyon na sinimulan noong 1951.


Halos puro mga beterano ang napili mula sa Western Conference na sina Paul George ng la Clippers (7), Damian Lillard ng Trail Blazers (6) at Anthony Davis (8) ng defending champion Lakers. Sina Donovan Mitchell (2) at Rudy Gobert (2) ng Jazz at baguhang Zion Williamson ng New Orleans Pelicans.


Sa Eastern Conference, tanging si James Harden ng Brooklyn Nets ang beterano na napili ng ika-siyam na beses subalit una niya ito para sa East. Susunod sa kanya sina Ben Simmons (3) ng 76ers, Nikola Vucevic (2) ng Magic at Jayson Tatum (2) ng Celtics at sina Zach LaVine ng Bulls, Julius Randle ng Knicks at Jaylen Brown ng Celtics na maglalaro sa kanilang pinakaunang All-Star.


Pipili na ang mga itinalagang kapitan na sina LeBron James ng Lakers at Kevin Durant ng Nets ng kanilang magiging 11 kakampi sa pamamagitan ng draft sa Marso 4. Maaari silang kumuha ng manlalaro sa kahit anong conference.


Ibinoto na ng mga tagahanga ang First Five na sina James, Stephen Curry ng Warriors, Luka Doncic ng Mavericks, Nikola Jokic ng Nuggets at Leonard ng Clippers sa West at Durant at Kyrie Irving ng Nets, Bradley Beal ng Wizards, Joel Embiid ng 76ers at MVP Giannis Antetokounmpo ng Bucks sa East. Tinalagang mga head coach sina Coach Quin Snyder ng Jazz para sa Team LeBron at Coach Glenn “Doc” Rivers ng 76ers sa Team Durant.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page