top of page
Search
  • BULGAR

14-anyos, nakipagkita sa BF, tinodas

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 8, 2024




Malamig na nang makita ang katawan ng isang menor-de-edad na babae matapos na makipagkita sa kanyang kasintahan sa Davao City.


Tumawag pa ang 14-anyos na biktima para humingi ng tulong sa kanyang kapatid.


Natagpuan sa katawan ng biktima ang sugat sa ulo nang makita ito sa bakanteng lote sa Brgy. Bato.


Nahuli sa CCTV ang biktima kasama ang isang lalaki sa labas ng isang establisimyento bago mangyari ang krimen.


Agad na nadakip ang boyfriend ng menor-de-edad na umaming hinampas niya ng bato ang ulo nito.


Haharap naman sa mga kasong inihanda ng pulisya ang may sala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page