13 yrs. daw silang naging close… NASH, PINAASA LANG SI ALEXA, KAY MIKA NAGPAKASAL

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 1, 2024

May mga netizens ang naiintriga sa naging pahayag ni Alexa Ilacad sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Sey ni Alexa, sa loob ng 13 years na naging close sila ni Nash Aguas ay naramdaman niya na naging bahagi siya ng buhay ng aktor.

Meaning, maski na naging magkarelasyon sina Mika dela Cruz at Nash ay espesyal pa rin siya sa aktor.
Nangangahulugan ba ito na pinaasa lang ni Nash si Alexa pero kay Mika siya nagpakasal?
Halata kay Alexa na nasaktan siya sa ginawa ng aktor at mukhang wala silang naging closure.
Well, wala na ngang magagawa pa si Alexa Ilacad kundi tanggapin na kasal na sina Nash at Mika at darating din sa tamang panahon ang lalaking para sa kanya.





Comments