13 bata patay sa tigdas

ni Mabel Vieron | July 4, 2023

Nasa 13 bata ang nasawi dahil sa suspected measles outbreak sa Sudan.
Naganap ito sa internal displacement camps kung saan naninirahan pansamantala ang mga ito dahil sa patuloy na giyera ng dalawang puwersa.
Ayon sa Doctors Without Borders, laganap ang nasabing sakit at ang malnutrisyon sa lugar.
Mula aniya noong Hunyo 6 hanggang 27 ay mahigit 223 na bata ang kanilang ginamot na dinapuan ng nasabing sakit sa White Nile camps.
Patuloy ang kanilang panawagan na dagdagan ang bakuna at mga pagkain para sa mga pasyente.





Comments