12yrs. kulong kapag ang biktima ng acts of lasciviousness ay edad 12 o pababa
- BULGAR
- Nov 10, 2020
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 10, 2020
Dear Chief Acosta,
Ako ay nalilito sa naging hatol at sentensiya sa aking kapatid. Para sa inyong kaalaman, ang kaso sa kanya ay acts of lasciviousness dahil sa panghihipo diumano sa 11-anyos. Subalit, sa aming pagtataka, ang naging hatol sa kanya ay ang kaparusahan ayon sa Child Abuse Law o ang R.A. 7610 na mas mataas ang kaparusahan kumpara sa nakasaad diumano sa Revised Penal Code. Hindi ba parang hindi ito tugma? Dahil dito, nais ko malinawan kung maaari ba ito? –Fabian
Dear Fabian,
Ang sagot sa inyong katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksiyon 5 (b) ng Republic Act Number 7610 (“R.A. 7610”), o mas kilala sa tawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” ang kaparusahan sa sinumang mapatutunayan na nagkasala ng krimeng Acts of Lasciviousness sa menor-de-edad na 12 taong gulang o pababa, viz:
“Section 5. Child Prostitution and Other Sexual Abuse. – Children, whether male or female, who for money, profit, or any other consideration or due to the coercion or influence of any adult, syndicate or group, indulge in sexual intercourse or lascivious conduct, are deemed to be children exploited in prostitution and other sexual abuse.
The penalty of reclusion temporal in its medium period to reclusion perpetua shall be imposed upon the following:
xxx xxx xxx
(b) Those who commit the act of sexual intercourse or lascivious conduct with a child exploited in prostitution or subject to other sexual abuse; Provided, That when the victims is under twelve (12) years of age, the perpetrators shall be prosecuted under Article 335, paragraph 3, for rape and Article 336 of Act No. 3815, as amended, the Revised Penal Code, for rape or lascivious conduct, as the case may be: Provided, That the penalty for lascivious conduct when the victim is under twelve (12) years of age shall be reclusion temporal in its medium period; and
xxx xxx xxx.”
Bagama’t tama na mas mababa ang kaparehong kaparusahan sa ating Revised Penal Code sa kasong Acts of Lasciviousness, malinaw naman din na kapag ang biktima ay menor-de-edad na may 12 taong gulang o pababa, alinsunod sa RA 7610, mas mataas ang kaparusahan na ipinapataw ng batas. Ito ay alinsunod sa intensiyon ng ating mga mambabatas na mas mabigyan ng proteksiyon ang mga bata na mas nanganganib sa ating lipunan at mas mahina sa mata ng batas.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Magkano Ang danyos sa pananakit sa bata