120 biktima ng sexual exploitation

ni Ejeerah L. Miralles (OJT) | March 6, 2023

SPAIN — Arestado ang 2 suspek matapos mambugaw umano ng higit sa 120 kababaihan sa Alicante, Spain.
Ayon sa imbestigasyon, inakit at pinangakuan umano ang mga kababaihan ng magandang career sa modeling agency ng mga suspek.
Matapos nito ay puwersahan nilang ipinapasok ang mga biktima sa prostitusyon.
Dagdag pa ng awtoridad, sapilitang pinagsusuot ang mga biktima ng geolocation devices upang makasiguro na lagi silang “available”.
Nagsagawa ng ilang raid ang pulisya sa mga ari-arian ng mga suspek sa bayan ng Elche at Novelda, kung saan napag-alaman na higit sa 120 biktima. Agad ding nag-utos ang investigating court na pagpapakulong sa mga suspek.
Samantala, kasalukuyang pinapanatiling nakabukas ang kaso sakaling may biktimang lumapit.





Comments