12 pulis, 12 estudyante, 3 staff sugatan... 164 arestado sa rally

ni Justine Berganio @Overseas News | September 30, 2026

Photo: Circulated / nur kz / infohub
Umabot sa 164 katao ang inaresto matapos lumawak ang protesta ng mga estudyante sa France, na nagsimula dahil sa reklamo sa kakulangan ng guro, siksikang klase at kondisyon ng mga paaralan. Apektado na umano ang 180 paaralan.
Ayon kay Prime Minister Sébastien Lecornu, dapat pakinggan ang hinaing ng mga estudyante, pero hindi dapat mauwi sa karahasan ang protesta. Iniulat naman ang mga insidente ng vandalism at kaguluhan malapit sa mga paaralan.
Sinabi ni Interior Minister Laurent Nuñez na 12 pulis, 12 estudyante at tatlong school staff ang nasugatan sa mga insidente nitong Lunes.
Kumalat na rin ang kilos-protesta sa iba pang bahagi ng bansa, kabilang ang Marseille, Lille at ilang lugar sa southern France. Hinikayat ng student union ang pagpapatuloy ng school blockades bilang pagtutol sa kakulangan ng resources at budget cuts.
Samantala, itinanggi ng France Unbowed leader Jean-Luc Mélenchon ang paratang na pinalalawak ng kanilang grupo ang protesta at iginiit na crackdown umano ng gobyerno ang nagaganap. Patuloy namang iniimbestigahan ang ilang insidente ng tensyon sa pagitan ng pulisya at mga estudyante.





Comments