Search
  • BULGAR

11 barangay sa Maguindanao, lubog sa baha

ni Lolet Abania | October 21, 2020



Isinailalim ang munisipalidad ng Datu Montawal sa Maguindanao sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha sa lugar dala ng malalakas na pagbuhos ng ulan ng Bagyong Pepito.


Labing-isang barangay ang nananatiling mataas ang tubig sa lugar hanggang sa ngayon, ayon sa lokal na pamahalaan ng Datu Montawal.


"Stagnant pa rin ang tubig dahil hindi pa rin makalabas dahil puno pa rin ang Liguasan (Marsh)," sabi ni Mayor Otho Montawal.


Ayon pa sa alkalde, halos lahat ng pananim sa probinsiya ay nawasak pati na ang mga alagang hayop ay labis na naapektuhan.


Gayunman, nagbigay na ng tulong-pinansiyal ang local government ng Datu Montawal sa lahat ng residente sa lugar. Nasa mga evacuation centers naman ang ibang pamilyang labis na naapektuhan sa pagbaha.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.