top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

11 Babaeng Kabayo sa Lakambini Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 24, 2023


Nagdeklara ng pagsali ang 11 mahuhusay na babaeng kabayo sa Lakambini Stakes Race na ilalarga sa Setyembre 3 sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Nakalinya sa mga naghayag ng pagsali ay sina Chrome Bell at Domsat Seven na rerendahan ng mga star jockeys sa distansiyang 1,600 meter race.


Sasakay kay Chrome Bell si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez habang si Jeffril Tagulao Zarate ang gagabay kay Domsat seven.


May nakalaan na P2-M guaranteed prize ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang mga makikipagtagisan ng bilis ay sina Earli Boating, Glamour Girle, I Under Oath, Keep Da Trick, Secretary, Sister Moon, Winner Parade, Wolfgang at Amiable Maxinne.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P1.2M, mapupunta ang P400,000 sa pangalawa habang tig-P200,000, P100,000, P60,000 at P40,000 ang third hanggang sixth placers ayon sa pagkakasunod.


Isusukbit ng breeder ng winning horse ang P100,000 habang tig-P60,000 at P40,000 ang second at third sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Samantala, bago pasibatin ang nasabing karera, masisilayan muna ng mga karerista ang bakbakan ng mga mahuhusay na kabayo sa A.P. Reyes Memorial race at Imported Maiden Stakes race na parehong pakakawalan sa Agosto 27.


Sina Boss Emong, Don Julio, Jungkok, Magtotobetsky, Robin Hood at Sartorial Elegance ang magbabanatan sa A.P. Reyes Memorial race.


Bakbakan naman sina Catalunya, Daily Burn, Golden Opportunity, Magandang Dilag at Pharaohs Treasure sa Imported Maiden Stakes race.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page