10 taong nag-pills, ngayon ready na… KITKAT BUNTIS, KAMBAL SANA, 'DI NATULOY
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 15, 2022

December, 2021 pa lang ay nabanggit na sa amin ng TV host/singer/comedienne na si Kitkat Favia na nasa interesting stage siya. Mga three months o 12 weeks pa lang noon ang tiyan niya, pero hindi pa niya ina-announce dahil may sinusunod silang pamahiin.
Pero kahapon, kasabay ng Feb. 14 ay ipinost na ni Kitkat ang "baby bump reveal" nila ng hubby niyang si Walby Favia na may hawak na cake and balloon plus ultrasound at pregnancy result.
“HAPPY VALENTINE’S DAY EVERYONE!!!! Wala na kaming putukan now, naputukan na! Chareng!!! Hahaha!
“Kidding aside, we just want to share with all of you our greatest happiness and blessing. YES!!! WE ARE PREGNANT!
“O, ha? Walang nakapansin ano? I’ve been pregnant since November and super blessing talaga at 'di kami maselan ni baby. Siguro nagtataka lang kayo bakit laging maluwag ang mga damit ko sa mga TV appearances ko at laging naka-rubber shoes. Hehe!
"Well, minu-minuto, nagpapasalamat kami kay Papa God sa napakalaki at life changing blessing na ito, pati milagro, at ipinagpapasalamat namin na lahat ng anxieties ko, migraine with aura, vertigo, acid reflux, hypertension, asthma at kung anu-ano pa ay 'di ko talaga nararamdaman simula nang nagbuntis ako! We praise and love and trust you, PAPA GOD! Maraming salamat po talaga! ‘Yun lang! 'HAPPY (indeed) VALENTINE’s' talaga.
#15weekspregnant. And message ko sa lahat, BE HAPPY AND KIND ALWAYS. Ang bawat blessing ay may timing. God is really faithful, perfect timing always!"
Ayon kay Kitkat nang maka-chat namin via FB messenger habang isinusulat namin ang balitang ito ay kambal ang unang resulta ng ultrasound, na hindi naman din niya ikinagulat dahil may lahing kambal sa side ng asawa niya.
“'Yung lola po ni Walby, kambal,” sambit ni Kitkat.
Walang naramdamang hirap sa paglilihi si Kitkat dahil ang hubby niya ang naglilihi for her.
Sympathetic pregnancy daw ang tawag du'n.
Pero gustung-gusto niya ang, “Yogurt po pinaglilihian ko, saka persimmon at melon, pero persimmon, hirap humanap lagi. Anmum po at Enfamama (ang iniinom niyang gatas).”
Tinanong namin kung may ideya na sila sa gender ng baby.
“Actually, nalaman na ng mga doctor, ibinulong sa friend ko sa St. Luke's pero siyempre, secret pa. May ibang ultrasound daw for gender reveal, pero kita ko sa reaction nila, saka masyado pang maaga para makita, so for sure, lawit nakita nila. 'Pag babae raw, 6 months pa nakikita, minsan hirap pa,” pahayag ni Kitkat.
At sa huling ultrasound niya ay iisa na lang ang nasa sinapupunan niya.
“'Di ba dapat twins? Vanishing twin ang tawag, 'di na nag-develop ‘yung isa, kaya malakas at healthy si baby namin now. Lahat ng powers, nakuha niya, hahahaha!
“Nu’ng 1st two ultrasound, dalawang sac nakikita po, pero ‘yung isa, 'di nagkakaroon ng laman. 'Pag vanishing, sa mga sunod na ultrasound, nawawala na lang 'yung sac/bag na 'yun. So, dito, nu’ng Saturday, wala na ‘yung isang sac, tapos super-likot at healthy ni baby. Ang laki niya agad.
Nag-ready lang ng bag kumbaga kasi naghintay 'yung matris ko ng isa pang embryo. Pero 'di nag-develop kaya superpowers nu’ng isa, hahaha! Normal po ‘yun,” paliwanag ni Kitkat.
At dahil nasa interesting stage ngayon ang komedyana ay hindi niya tinanggap ang mga offers sa kanya lalo na sa mga kampanya ng mga kumakandidato ngayong eleksiyon.
“Dami kong tinurn down na mga inquiries, pati mga campaigns, kasi takot ako sa mga tao at enclosed (na lugar). Sabi ni Walby, nagsisisi ba 'ko? Sabi ko, 'Sus, kahit araw-araw mo 'kong buntisin, okay ako!' Hahaha!” masayang sabi ni Kitkat.
Going 11 years nang kasal sina Kitkat at Walby at aminadong nag-pills siya sa loob ng 10 years dahil gusto muna nilang mag-solo at mag-travel at i-enjoy ang isa’t isa.
Sabi nga niya, “Lahat ng Disneyland, napuntahan na namin sa iba’t ibang bansa. Isa lang ang hindi, sa Paris. Dati, ubos-ubos pera sa kaka-tour.”
Nabanggit din daw ng hubby niya na samantalahin na nilang magsaya dahil 'pag nagkaanak na sila ay wala silang gagawin kundi habulin nang habulin ang bagets.
Ayon pa kay Kitkat, “Naging lalo akong pala-dasal na dati, everyday, ngayon, minu-minuto.
Pramis, walang OA! Iihi lang ako, nagpapasalamat ako at thank you kay Lord kasi nga, lahat ng kilala ko, kasabay ko, nagkaka-spotting. Sobrang iyak namin ni Walby 'pag gabi at pray ng thank you.”
Mula sa BULGAR, congratulations, Kitkat at Walby!





Comments