top of page
Search
  • BULGAR

10 Pinoy sa Gaza, tatawid sa Egypt border

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 24, 2023





Nakatakdang tawirin ng sampu sa 26 na Pinoy na nasa Gaza ang border patungong Egypt sa kasagsagan ng alitan ng Israel at Palestine, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Biyernes.


Ipinahayag ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega ang pagiging positibo na makakalabas ang mga Pilipino sa Gaza sa pamamagitan ng Rafah Border Crossing kasama ang kanilang mga Palestinian na asawa.


Sa kasalukuyan, 111 Pinoy na ang umalis sa Gaza, ngunit 108 lamang ang nakauwi sa Pilipinas dahil nagpasya ang tatlo na manirahan sa Cairo, Egypt.


Nasa 109 na ang kabuuang bilang ng mga Pilipino na nakauwi, kabilang ang isang sanggol na ipinanganak sa Cairo 12 araw na ang nakalilipas.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page