Search
  • BULGAR

10 mayor na ‘no show’ habang sinasalanta ng super-bagyo ang kanilang nasasakupan, sibakin!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 6, 2020



DAPAT DOKTOR ANG ITINALAGANG “VACCINE CZAR”, HINDI RETIRED GENERAL—Itinalaga ni P-Duterte si COVID-19 Chief Implementer, ret. Gen. Carlito Galvez bilang “vaccine czar.”


Hay naku, imbes doktor na expert sa bakuna ang gawing “vaccine czar”, eh, ang itinalaga ni P-Duterte sa posisyong ito at retired general, buwisit!

◘◘◘

SIBAKIN ANG 10 PABAYANG MAYOR—Ayon kay Sec. Eduardo Año ng Department of Interior and Local Goverment ay sampung alkalde ang absent o hindi nakita ng kanilang mga kababayan habang nananalasa sa Bicol region ang super-typhoon “Rolly”.


Ang dapat sa sampung alkalde na ‘yan ay tanggalin agad sa puwesto kasi lumalabas na posisyon lang pala ang kanilang gusto kaya sila nagsipag-mayor dahil “nganga” lang sila habang sinasalanta ng super-bagyo ang kanilang mga kababayan, mga buwisit!

◘◘◘

PARANG SINABI NG TESTIGO NG MILITAR NA FAKE NEWS ANG NARCOLIST NI P-DUTERTE—Ang testigo ng militar na umano’y dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na si Jeffrey Celis, na nagdidiin kay Ella Colmenares (kapatid ni actress Angel Locsin) na rebelde raw ito ay natuklasan ng mga senador na nasa narcolist at isa sa pinangalanan ni P-Duterte noong 2016 na sangkot sa kalakaran ng illegal na droga sa Iloilo.


Ang palusot dito ni Celis ay isinama lang daw ng gobyerno ang kanyang pangalan sa narcolist para itago ang kanyang pagkatao.


Kumbaga, parang sinabi ng witness ng militar na “fake news” lang ang pagkakasama ng kanyang pangalan sa narcolist ng pangulo, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.