top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

10-days lang ang validity ng search warrant

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 07, 2022



Dear Chief Acosta,


Pinasok ang aming bahay ng armadong kalalakihan noong Enero 3, 2022.


Nagpakilala silang mga pulis at ipinakita rin nila ang search warrant na may petsang Nobyembre 2, 2021. Pinalabas kami ng mga nagpakilalang pulis at nagsimula silang maghalughog habang kami ay nasa labas ng aming bahay. Laking gulat namin ng ipinakita nila ang mga ilegal na droga na nakuha diumano nila sa loob. Tumambad din sa amin ang napakagulong bahay at nakatumbang mga aparador. Nais naming malaman kung may paglabag ba sa batas sa ginawa ng mga pulis? – Lou



Dear Lou,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na iyong inilahad ay ang Sections8 at 10 ng Rule 126, Search and Seizure of The Revised Rules of Criminal Procedure. Ayon sa nasabing batas:


“Section 8. Search of house, room, or premise to be made in presence of two witnesses.- No search of a house, room, or any other premise shall be made except in the presence of the lawful occupant thereof or any member of his family or in the absence of the latter, two witnesses of sufficient age and discretion residing in the same locality.


Section 10. Validity of Search Warrant. - A search warrant shall be valid for ten (10) days from its date. Thereafter it shall be void.”


(Binigyang-diin)


Malinaw na nilabag ng mga nagpakilalang pulis ang tamang proseso sa pagpapatupad ng search warrant sa inyong tahanan. Ang search warrant na dala ng mga pulis na may petsang 02 ng Nobyembre 2021 ay wala nang bisa sa kadahilanang balido lamang ang search warrant sa loob ng sampung araw. Ito ay malinaw na nakasaad sa batas. Bukod pa rito, tanging ang mga nagpakilalang pulis lamang na nagpatupad ng nasabing search warrant ang naiwan sa loob ng bahay at walang naging saksi kung paano nakumpiska ang ilegal na droga sa loob ng inyong tahanan.


Samakatwid, sa inyong sitwasyon, ang mga nagpakilalang pulis na nagpatupad ng search warrant sa inyong tahanan ay hindi sumunod nang naaayon sa probisyon ng Revised Rules on Criminal Procedure.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page