10 bangkay at flight recorders, narekober sa jet crash site ni Wagner chief Prigozhin
- BULGAR

- Aug 28, 2023
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 28, 2023

Kinumpirma ng Russia na narekober na ang 10 bangkay kabilang ang flight recorders mula sa crash site ng private jet ni Wagner chief Yevgeny Prigozhin na nagbunsod ng kamatayan nito.
Ayon sa mga awtoridad, isinasagawa ang molecular-genetic tests o DNA tests upang matukoy ang mga narekober na bangkay mula sa crash site.
Matatandaan na bumagsak ang private jet ng Russian mercenary leader malapit sa Moscow na nagresulta sa espekulasyon na isang missile ang dahilan ng pagbagsak ng naturang eroplano.
Kasamang nasawi ang kanang kamay ni Prigozhin na si Dmitry Utkin gayundin ang 5 iba pang mga pasahero at 3 crew members na lulan ng Embraer Legacy 600 jet.





Comments